dzme1530.ph

Senior citizens, PWD discounts, pinatataasan

Nais ni House Speaker Martin Romualdez na itaas ang ibinibigay na discount sa mga senior citizens at person with disabilities (PWDs).

Ayon sa House leader, ang seniors at PWDs ngayon ay may 5% discount per week sa groceries, at ito ay naka-capped sa total purchase value na 1,500, o katumbas ng P65 per week.

Ang halagang ito ay hindi na umano makatotohanan sa kasalukuyang economic climate dahil sa sobrang mahal ng bilihin.

Bukod sa groceries nais din nitong isama sa diskwento ang supplements at vitamins ng mga seniors at PWDs.

Ikinatuwa ni United Senior Citizen party-list Rep. Milagros Magsaysay ang mungkahe ni Romualdez, sa pagsasabing madali rin itong ipatupad.

Nangako naman si Albay Cong. Joey Salceda, chairman ng Ways and Means panel na isasama na sa pag-aral ng TWG ang mungkahe ni Romualdez. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author