dzme1530.ph

Senior citizen nakuhanan ng P680-K halaga ng shabu

Isang senior citizen ang naaresto matapos ang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa isang buy bust operation sa Candaba, Pampanga.

Ayon sa mga pulis, kinilala ang suspek na si Ernesto B. Cruz, 63-taong gulang at residente ng Brgy. Vizal Sto. Niño, Candaba, Pampanga

Dagdag ng mga otoridad, si Cruz ay dati ng nagbebenta ng droga na sintensyahan na ng apat na taong pagkakakulong.

Nakuha sa kanyang pangangalaga ang mga sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P680-K. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author