dzme1530.ph

Senegal citizens na may pekeng dokumento, dumarami; BI, na-alarma!

Nagpahayag ng pagkabahala ang Bureau of Immigration sa dumararaming Senegalese na kanilang nahaharang na may mga pekeng dokumento.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, maaaring may isang sindikato ang nanloloko sa mga Africanong nasasabat nila na pinapangakuang aayusin ang kanilang mga papeles pero peke naman ang mga dokumentong ibinibigay.

Nauna nang iniulat ng BI ang pagkakasabat sa tatlong Senegalese na pasahero kabilang ang dalawang menor de edad sa Mactan-Cebu International Airport (NAIA) na tangkang aalis gamit ang pekeng BI stamps noong Marso, gayundin ang isang naharang na aplikasyon kamakailan, ng isang taga-Senegal na may pekeng BI stamp na nakadikit sa kanyang pasaporte.

Dahil dito, naglabas ang BI ng immigration alerts para sa kanilang mga frontliners.

About The Author