Senatorial candidate Camille Villar, pagpapaliwanagin ng Comelec kaugnay ng presensya nito sa cash raffle event

dzme1530.ph

Senatorial candidate Camille Villar, pagpapaliwanagin ng Comelec kaugnay ng presensya nito sa cash raffle event

Loading

Nakatakdang isyuhan ng Comelec ng show-cause order (SCO) si Senatorial candidate Camille Villar bunsod ng umano’y presensya nito sa umano’y cash raffle event sa Imus, Cavite.

Ayon kay Comelec Executive Director Teopisto Elnas Jr., Head ng Committee on Kontra Bigay, nag-ugat ang SCO mula sa anonymous complaint na ipinadala sa Komite.

Aniya, isinumite sa kanila ang Facebook video kung saan makikita si Villar sa stage habang nagsasagawa umano ang mga lokal na kandidato ng cash prize raffle sa mga audience.

Ipinost ang video noong Feb. 16, subalit sinabi ni Elnas Jr. na iniimbestigahan pa ng Anti-Vote Buying Committee kung ang event ay pasok sa campaign period.

Sa ilalim ng Comelec Resolution no. 11086, ang campaign period para sa National candidate ay simula Feb. 11 hanggang May 10 habang ang mga nasa Local positions ay mula March 28 hanggang May 10.

About The Author