dzme1530.ph

Senate minority leadership ni Pimentel, posible ring manganib

Aminado si Senate Minority Leader Aquilno “Koko” Pimentel III na nanganganib din ang kanyang pwesto sakaling magdesisyon ang tinatawag na solid 7 sa senado na magsisilbi na ring bahagi ng Minority bloc.

Ang bagong grupo ay kinabibilangan nina senators Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Jv Ejercito, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda at Sonny Angara.

Sinabi ni Pimentel na bagama’t welcome sa kanilang grupo ang pito ay hindi mai-aalis na posibleng mapalitan siya bilang lider ng minorya dahil nakadepende pa rin ito sa numero.

Aminado naman si Pimentel na kung madaragdagan ang kanilang miyembro ay mas magiging maganda ang pagtalakay sa mga panukala.

Dapat anyang solid ang minority at hanapan ng paraan na magkaroon ng harmony.

Una nang inihayag nina Zubiri at Villanueva na pag-uusapan nila ngayong nakabreak ang sesyon kung magdedesisyon silang umanib na sa minorya sa senado.

About The Author