Tiniyak nina Sen. Risa Hontiveros at Senate Minority leader Koko Pimentel na handa silang sumuporta kung sakaling iakyat sa korte ang ipinasang Maharlika Investment Fund bill.
Ayon kay Hontiveros, ito ay kahit ikinatuwa niya ang probisyon na pumuprotekta sa pension at social welfare funds at kahit nagpalagay siya ng parusang pagkakakulong sa sinumang aabuso o gagawa ng masama sa Maharlika Fund.
Sinabi ni Hontiveros na alinsunod sa Section 16 Article 12 ng konstitusyon, dapat ang Gov’t Owned and Controlled Corp., tulad ng lilikhaing Maharlika Investment Corporation (MIC) ay pasado sa test of economic viability.
Sinabi ni Hontiveros na maraming economic experts na nagdududang dumaan at pumasa ang Maharlika Investment Fund sa test of economic viability.
Naniniwala si hontiveros na hindi ang MIF ang kailangan ng bansa sa ngayon.
Samantala nangako si Pimentel na maaari siyang lapitan ng sinumang maghahain ng petisyon sa korte laban sa Maharlika Investment Fund at tutulong sya sa pagbuo ng mga argumento. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News