dzme1530.ph

Senate Committee on Public Services, handang magsagawa ng review  sa prangkisa ng NGCP

Handa si Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na isailalim sa review ang congressional franchise ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng mga isyu sa suplay ng kuryente.

Sinabi ni Poe na hindi dapat maging normal ang nararanasang putol-putol na suplay ng kuryente sa mga tahanan lalo na sa gitna ng napakainit na panahon.

Kasabay nito, hinimok ni Poe ang lahat na maging mapagbantay pagdating sa suplay ng kuryente.

Binigyang-diin ng senadora na kailangang matiyak na mananatili sa kontrol ng mga Pilipino ang power lines ng bansa sa gitna na rin ng security concerns ng mga senador.

Nangako si Poe na bubusisiing mabuti ng kanyang kumite ang performance ng NGCP at sisilipin kung naging tapat ito sa pinirmahan nilang prangkisa o kung nagkaroon ng mga paglabag. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author