dzme1530.ph

Senado, tiniyak na nakakasunod sa timeline sa pagpapasa ng LEDAC priority measures

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na on track sila sa pagtalakay sa mga panukalang pasok sa prayoridad ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Katunayan, sinabi ni Zubiri na sa Lunes,  17 panukala ang nakatakda nilang aprubahan sa third and final reading na kinabibilangan ng apat na priority legislation ng LEDAC at  and 12 local bills para sa pag-upgrade ng state universities and colleges (SUCs).

Habang nakapila na rin anya para deliberasyon at diskusyon ang iba pang LEDAC priority bills upang bago matapos ang taon ay aprubado na nila ang 20 priority measures.

Una na anya nilang inaprubahan sa 2nd reading ang limang panukala na kinabibilangan ng Senate Bill No. 2001 o ang New Philippine Passport Act; SB 1846 o ang Internet Transactions Act of 2023; SB 2224 o ang Ease of Paying Taxes Act; SB 2028 o  An Act Recognizing the Octogenarians, Nonagenarians, and Centenarians; at SB 2233 o Public Private Partnership Act.

Sa kasalukuyan anya ay dalawa na sa mga priority measures na kinabibilangan ng Trabaho Para sa Bayan Act at the LGU Income Classification Act ang naghihintay na ng lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Habang ang proposed Philippine Salt Industry Development Act ay aprubado na ng Senado sa final reading at naghihintay na lamang ng bicameral committee action.

Ang proposed Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at Amendments to the Magna Carta of Filipino Seafarers naman ay nasa period of amendments na bago ang approval sa second reading.

Habang patuloy naman sa period of interpellations ang proposed Real Property Valuation and Assessment Reform Act, Waste-to-Energy Bill, Mandatory ROTC and NSTP at ang National Disease Prevention Management Authority/CDC Bill. –sa panulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author