dzme1530.ph

Senado, inatasan ng Pangulo na pangunahan ang pagsusulong ng pagbabago sa economic provision ng konstitusyon

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabing divisive ang isinusulong na People’s Initiative kung saan kakapunin ang kapangyarihan ng Senado.

Kaya naman, sa pulong, kasama ang Pangulo, ang Senate Leader, Senate President Pro Tempore Loren Legarda at House Speaker Martin Romualdez kasama si Cong. Sandro Marcos, inatasan ang Senado na pangunahan ang aksyon para sa pagbabago ng economic provision sa konstitusyon.

Dahil dito, binalangkas nina Zubiri, Legarda kasama si Sen. Sonny Angara ang isang resolusyon na nagsusulong ng pagbabago sa konstitusyon na limitado sa economic provision partikular sa foreign investment sa public services, sa edukasyon at sa advertising.

Ang resolution na kahahain lamang ni Zubiri ay kinakailangan ipasa ng Senado sa pamamagitan ng 3/4 o 18 boto bago isumite sa Kamara na kanila namang iaadopt.

Sa ganitong paraan anya ay mapangangalagaan ang bicameral nature ng legislation.

Inihayag din ni Zubiri na hindi batid ng Pangulo ang naging intensyon ng People’s Initiative na balewalain ang kapangyarihan ng Senado at nang ito ay kanyang malaman, iginiit anya ng Pangulo na bilang dating Senador na mismong sya ay hindi papayag sa ganitong layunin. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author