dzme1530.ph

Senado, hindi inaabandona ang tungkuling dinggin ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte

Loading

Hindi inaabandona ng Senado ang kanilang constitutional duty na dinggin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng pag-aatras ng pagsisimula ng proceedings.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada sa kaniyang pagsuporta sa desisyon ni Senate President Francis Escudero na unahing talakayin ang mga nakabinbing panukalang batas bago ang pagtalakay sa reklamo.

Ipinaliwanag ni Estrada na kahit kasama sa functions at responsibilities ng Senado ang umakto bilang impeachment court, pangunahing mandato pa rin nito ay gumawa at magpasa ng batas na nagsusulong ng kapakanan ng mamamayan.

Binigyang-diin ng senador na tulad ng posisyon Escudero, dapat unahin ang pagpapatibay ng mga mahahalagang panukala dahil ang sine die adjournment ay hudyat ng pagtatapos ng regular na sesyon.

Tiwala naman si Estrada na hindi magdudulot ng negatibong epekto ang pag-atras ng impeachment proceedings dahil tiyak naman aniyang gagampanan pa rin nila ito.

About The Author