Handa ang mga senador na suportahan ang anumang corrective legislation na kailangan upang matanggal ang Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force.
Ito ang inihayag ni Senador Imee Marcos kasabay ng pagsasabing ang pagkakasama ng Pilipinas sa FATF Grey List ay halos nagiging regular issue na kasunod na rin ng kahilingan ng Anti Money Laundering Council para sa corrective legislation sa tuwing may sesyon ang Kongreso.
Noong June 2021 anya pinuna ng FATF ang isyu ng money laundering mula sa casino junkets at kawalan ng prosecution sa terrorism funding cases.
Ang iba pang isyu ay ang effective risk-based supervision ng nonfinancial businesses at professionals and streamlining access to beneficial ownership information.
Ipinaalala ng senador na naipasa na ang Anti-Terror Act bagama’t wala pang conviction rate.
Aminado si Marcos na hindi naman ito dahil sa kawalan na ng terorista sa bansa lalo pa’t aktibo pa rin ang New People’s Army.
Sa kabilang dako, tiniyak ng senador na patuloy ang Mataas na Kapulungan sa paghahanapp ng mga paraan upang maregulate ang casino junkets upang maiwasan ang money laundering operations. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News