dzme1530.ph

Kampanya laban sa vote-buying, mahalagang hakbang sa pagtiyak ng integridad ng electoral process

Loading

Krusyal na hakbang para sa proteksyon ng integridad ng electoral process ang aksyon ng Commission on Elections laban sa vote-buying.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian kasabay ng pagsasabing nagiging dahilan ng katiwalian sa buong political system ang vote buying na dapat anyang nilalabanan ng mga kandidato at mga botante.

Upang maging epektibo anya ang kampanya laban sa vote-buying, mahalaga ang monitoring sa mga ganitong aktibidad hindi lamang ng mga awtoridad kundi ng mismong taumbayan.

Dapat din anyang tiyakin ng pamahalaan na mapapanagot ang mga violator at buhusan ng atensyon at pondo ang voter education campaigns upang maturuan ang taumbayan na tumanggi sa bilihan ng boto.

About The Author