Magsasagawa ngayong araw na ito ng executive session ang mga senador kasama ang intelligence at law enforcerment agencies kaugnay sa naganap na pagsabog sa Mindanao State University noong araw ng Linggo.
Sa sesyon kagabi, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na ala-1:30 ngayong hapon isasagawa ng executive session sa kanyang tanggapan.
Una nang inatasan ni Zubiri ang kanilang secretariat na magtakda ng pulong kasama ang PNP, AFP, NSC at NICA upang alamin ang sitwasyon sa kasalukuyan ukol sa banta ng terorismo.
Kasabay nito nananawagan si Zubiri sa publiko partikular na sa Mindanao na huwag matakot at ituloy ang araw araw na pamumuhay.
Idinagdag pa ni Zubiri hindi dapat masayang o masira ang lahat ng hakbang ng gobyerno para makamit ang kapayapaan ng dahil lamang sa naturang pagpapasabog. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News