dzme1530.ph

Sen. Villar, tiwalang ‘di kakapusin ng bigas ang bansa sa gitna ng El Niño

Tiwala si Senate Committee on Agriculture Chairperson Cynthia Villar na hindi magkakaroon ng rice shortage sa bansa sa kabila ng umiiral na El Niño.

Ipinaliwanag ni Villar na dahil sa Rice Tarrification Law, natutugunan ang mga pangangailangan ng mga consumer sa bigas.

Nilinaw ng senador na hindi lamang ito dahil sa importasyon ng bigas, bagkus ay bunsod na rin ng mga tulong sa mga magsasaka upang mapalakas ang kanilamg produksyon.

Ipinaaalala ng senador na sa ilalim ng Rice Tarrification Law, may pondo para sa mechanization o pamamahagi ng mga equipment sa mga magsasaka na magagamit nila sa kanilang produksyon.

Nakasaad din sa batas ang distribusyon ng mga mas magandang seedlings sa mga magsasaka.

Kaya kung mag-iimport pa rin ng bigas ang bansa ay malinaw naman anya na ang mga magsasaka rin ang mkikinabang dahil ang taripa para sa rice importation ay gagamitin sa pagpapalakas ng lokal na produksyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author