dzme1530.ph

Sen. Tolentino, nagbitiw na umano bilang chairman ng SBRC

Tila sinukuan ni Sen. Francis Tolentino ang pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ay makaraang mapag-alaman na nagbitiw na ang senador bilang chairman ng kumite na dumidinig sa mga alegasyon ng katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.

Batay sa impormasyon, epektibo sa Enero ang pagbibitiw niya sa pamumuno sa kumite at katunayan ay nag-alsa balutan o tinanggal na ang mga gamit ng senador sa tanggapan ng Blue Ribbon Committee.

Napag-alaman naman na si Senator Alan Peter Cayetano ang papalit kay Tolentino na mananatili naman bilang Chairman ng Committee on Justice.

Sa mga nakalipas na taon, naging kapansin-pansin na hindi pinapalad sa eleksyon ang mga namumuno sa Blue Ribbon Committee katulad na lamang ni dating Senador Richard Gordon na hindi nagtagumpay sa kanyang reelection bid.

Isa sa tumatak na imbestigasyon kay Gordon ang Pharmally controversy na sa kabila ng mahabang panahong ginugol ay hindi naiprisinta sa plenaryo ang committee report dahil sa kakulangan ng lagda ng mga senador. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author