dzme1530.ph

Sen. Revilla, umalma sa impormasyon na nahuli ang kanyang convoy sa EDSA Carousel busway

Inalmahan ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ang ulat na nahuli ang kanyang convoy sa EDSA carousel busway sa bahagi ng Mandaluyong City.

Tinawag ni Revilla na malisyoso ang ulat kasabay ng pagtanggi na naharang siya sa naturang busway.

Ipinaliwanag ng Senador na ang kanyang pang-araw-araw na ruta ay imposibleng daraan siya sa EDSA sa bahagi ng Mandaluyong mula sa South patungong Senado.

Kung mayroon man anya silang official function sa North area, dumaraan siya sa skyway.

Idinagdag pa nito na kung totoo mang may nasitang gumagamit ng kanyang pangalan ang dapat  na ginawa ng MMDA ay tiniketan ang lumabag.

Sinabi ni Revilla na hihingin niya ang paliwanag ng MMDA sa insidente kasabay ng pagsasabing napakaagang paninira nito sa kanya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author