dzme1530.ph

Sen. Padilla, walang planong kausapin si PBBM ukol sa Cha-Cha

Walang plano si Senador Robin Padilla na kausapin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng isinusulong niyang pag-amyenda sa economic provision ng konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

Ayon kay Padilla, bilang pinuno ng Senate Committee on Constitutional Amendments, mas nais niyang isulong ang Charter Change (Cha-Cha) ng walang tulong mula sa presidente.

Binigyang-diin ng senador na magkahiwalay ang ehekutibo at ang lehislatura kaya kung kakausapin aniya niya ang punong ehekutibo tungkol sa isinusulong niyang Cha-Cha ay parang sinasabi na rin niyang nasa ilalim ng ehekutibo ang senado.

Nanindigan din si Padilla na mas nais niyang maisulat sa kasaysayan na hindi siya humingi ng tulong sa presidente at bagkus ay inilapit niya sa taumbayan ang itinutulak niyang pagbabago ng economic provision ng Saligang Batas.

About The Author