Tila natauhan at inamin na ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Robin Padilla na patay na ang isinusulong na Charter Change o ang Cha-Cha sa Kongreso.
Tinukoy ni Padilla ang isinusulong niyang pagbabago sa economic provisions sa ilalim ng 1987 Constitution.
Idinahilan naman ng senador sa tuluyang hindi na pag-usad ng Cha-Cha ang gulo na namuo sa pagitan ng mga lider sa Kamara.
Bukod pa ito sa hindi pagsuporta sa Economic Cha-Cha ng marami sa mga senador dahil ang apat lang na mga myembro ng PDP-Laban sa Senado ang lumagda sa kanyang committee report at ang ibang mambabatas na kasapi naman ng kanyang komite ay walang sagot o lagda.
Aminado rin si Padilla na kuntento na ang mga mambabatas sa inilabas na Implementing Rules and Regulations para sa Public Services Act.
Isa rin sa babantayan ng senador ang Maharlika Investment Fund na sinasabi ring makapagpapataas ng investment sa bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News