dzme1530.ph

Sen. dela Rosa, humingi ng paumanhin sa ‘di pagsagot sa mga tawag ni Cong. Arnie Teves

Kinumpirma ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na ilang beses pa siyang tinawagan ni suspended Cong. Arnolfo Teves subalit hindi niya ito sinagot.

Dahil dito, humingi ng paumanhin si dela Rosa sa suspendidong mambabatas.

Ipinaliwanag ni dela Rosa na kahit magkaibigan sila ni Teves ay sinadya muna niyang hindi sagutin ang mga tawag nito upang hindi na magkaroon pa ng isyu.

Nais anya niyang maging malinis ang pamumuno niya sa imbestigasyon sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo kung saan si Teves ang sinasabing “mastermind”.

Naninindigan pa rin si dela Rosa na mas makabubuti kung haharapin ni Teves ang kanyang mga kaso dito sa bansa.

Iginiit din ni dela Rosa na hindi political persecution ang kanilang ginagawa kay Teves kaya’t wala siyang nakikitang malinaw na rason sa hiling na political Asylum sa Timor Leste. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

 

About The Author