dzme1530.ph

Sen. Angara, aminadong challenging sa kanya ang pagtalakay sa economic Cha-cha bill

Aminado si Sen. Sonny Angara na challenging para sa kanya ang pamunuan ang Senate Subcommittee on Constitutional Amendments para sa pagdinig sa panukalang economic Cha-cha.

Ipinaliwanag ni Angara na malaking dahilan nito ay ang mga isyu at kontrobersiyanng bumabalot sa panukala gayundin ang pagkakaugnay ng usapin ng Peoples Initiative na dahilan ng bangayan ng mga senador at kongresista.

Inamin ng senador na sa ngayon ay napapaisip siya kung bakit niya tinanggap ang subcommittee at ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no.6.

Inihayag naman ni Angara na bukod sa kanya ay ikinunsidera ring mamuno sa subcommittee si Senator Pia Cayetano bilang isa din siyang abogado  subalit mas ninais ng mga senador na tutukan niya ang Senate Blue Ribbon Committee.

Aarangkada naman sa Lunes ang ikalawang araw ng pagdinig sa RBH 6 at inaasahang dadalo ang iba pang legal expert, mga miyembro ng academe at business groups na humaharap sa mga foreign investors. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author