Nangunguna bilang rice importer ang Pilipinas dahil sa kakulangan ng suportang natatanggap ng sektor ng agrikultura.
Ito ang inihayag ni Nueva Ecija Representative Ria Vergara kasunod ng ulat ng US Department of Agriculture na bagong top rice importer ang bansa sa buong mundo.
Nakakalungkot aniya pero ito ang katotohanan.
Ayon sa kongresista, hindi kayang sumabay ng domestic production ng bansa sa paglaki ng populasyon kung kaya’t kailangan talagang mag-angkat ng bigas dahil hindi aniya opsyon na magutom ang taong-bayan.
Ani Vergara, ang kakulangan sa pondo ng Dep’t of Agriculture taun-taon ang patunay na napapabayaan ang sektor ng agrikultura ng bansa.