Inaasahang muling babangon ang sektor ng agrikultura ngayong 2025, kasunod ng mababang produksyon noong nakaraang taon dahil sa epekto ng El Niño at La Niña.
Ayon sa Dep’t of Agriculture, nakikitang magpapatuloy pa rin ang La Niña hanggang sa 1st quarter ng taon.
Gayunman, inaasahang makababawi pa rin ang sektor ng pagtatanim ngayong taon.
Umaasa si DA Spokesperson Assistant Sec. Arnel de Mesa na ngayong 2025 ay aabot muli sa 20 million metric tons ang produksyon ng palay, katulad ng naitala noong 2023.
Mababatid na ibinaba sa 19.41 million metric tons ang estimate na palay output para sa taong 2024 dahil sa pinsala ng mga kalamidad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News