dzme1530.ph

Security detail ni ex-NegOr Gov. Teves, arestado

Tatlong security personnel na umano’y may kaugnayan kay dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves ang inaresto kasunod ng raid sa sugar mill na pag-aari ng dating politiko, sa bayan ng Santa Catalina.

Kinilala ni PNP Criminal Investigation and Detection Group chief legal officer, P/Col. Thomas Valmonte, ang mga dinakip bilang mga miyembro ng security detail ng dating gobernador.

Sinabi ni Valmonte na narekober mula sa tatlo ang ilang loose firearms.

Inihayag din niya na nasa 16 na armas, pampasabog, at P18-M na halaga ng cash ang narekober mula sa raid na nagsimula noong Biyernes.

Ipinaliwanag din ni Valmonte na masyadong malawak ang lugar kaya inabot ng ilang araw ang kanilang paghahanap.

About The Author