dzme1530.ph

Second extension ng Sim Card registration, malabo —NTC

Malabo nang magkaroon ng pangalawang extension o pagpapalawig ng Sim Card Registration.

Ito ang binigyang-diin ni National Telecommunications Commission (NTC) deputy commissioner Jon Paulo Salvahan na final extension na ang 90-araw na palugit upang makapagparehistro ng Sim Cards ang publiko.

Paliwanag niya, pinayagan ang pagpapalawig ng Sim Registration upang mabigyan ng pagkakaton ang mga nahirapan sa pagpapatala na ayusin ang kanilang mga requirements gaya ng Government-issued Identification Cards o IDs.

Samantala, patuloy na hinihikayat ni Salvahan ang publiko na magpa-rehistro at huwang nang hintayin pa ang deadline nito.

About The Author