dzme1530.ph

School classrooms sa Mindanao tinupok ng apoy ayon sa Comelec

Tinupok ng apoy ang 2 classroom sa magkahiwalay na eskwelahan sa lugar ng Mindanao ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ng Comelec matapos iparating sa ahensiya ang Initial Report ng Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nangyari ang sunog mag-aalas 2:00 ng madaling araw kanina sa Poona Piagapo Central Elementary School, Old Poblacion, Poona Piagapo, Lanao Del Norte.

Habang naiulat din ang sunog sa Ruminimbang Elementary Barira, Maguindanao Del Norte.

Nagresulta ito ng pagkatupok sa silid-aralan ng Grade 1 hanggang Grade 4 ng nasabing paaralan.

Ayon kay Chairman Garcia, Ang mga nabangit na lugar ay ikinategorya bilang mga election areas na may grave concern (red category) at posibleng ang nasabing insidente ay konektado sa paparating na BSKE 2023 dahil ang mga nasunog na silid-aralan ay gagamitin sana bilang polling precincts.

Alas-4 ng madaling araw kanina ng ideklarang fire out ang sunog, at wala namang naiulat na nasawi.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP, PNP at Comelec. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author