dzme1530.ph

Scholarship deal sa ibang mga bansa na nais mag-hire ng Filipino nurses, pinag-aaralan ng DMW

Plano ng Department of Migrant Workers na bumuo ng kasunduan sa mga bansa na interesadong mag-hire ng Filipino Nurses para sa pagbibigay ng scholarships sa mga nursing student sa Pilipinas.

Sinabi ni DMW Sec. Susan Ople na maraming bansa ang interesado at umaasa silang mailulunsad ng Commission on Higher Education ang programa bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Bukod sa tuition at iba pang mga bayarin, sakop din ng scholarship ang allowance ng estudyante, maging ang internship expenses.

Inihayag ni Ople na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa Health at Labor Departments upang matiyak na kahit mag-abroad ang iba, ay mayroon pa ring sapat na nurses sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author