dzme1530.ph

SBP pres. Al Panlilio, hinirang bilang 2nd Vice President ng FIBA Asia Board

Itinalaga si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio bilang 2nd vice president ng FIBA Asia Board para sa 2023 hanggang 2027, kasunod ng Zone Assembly sa Kuala Lumpur, sa Malaysia.

Si Panlilio ay magiging bahagi ng board sa susunod na limang taon kasama si Dr. K. Govindraj na iniluklok bilang President, kapalit ni outgoing FIBA Asia President Sheikh Saud Ali Al Thani.

Si Govindraj ng India ay nagsilbi sa asian baskeball sa loob ng mahigit 30-taon.

Ang dating NBA Star na si Yao Ming ay na-elect naman bilang Chairman habang si Akram halabi ay pinili bilang 1st Vice President.

About The Author