Nanawagan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (BSP) sa mga Pilipino na suportahan pa rin ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
Sa harap ito ng “must-win” situation ng pambansang koponan patungo sa kanilang final Group A game, mamayang gabi, laban sa Italy sa Araneta Coliseum, sa Quezon City.
Sinabi ni SBP Executive Director Sonny Barrios na hindi ito ang panahon para iwanan ang ating sariling national team.
Sa halip, ito aniya, ang tamang panahon na kailangan ng Gilas Pilipinas ang suporta ng mga kababayan, kaya dapat na iparamdam sa kanila ang malasakit at dasal upang magtagumpay sila, dahil ibinibigay naman nila ang lahat ng kanilang makakaya para manalo.
Bigo ang Gilas sa unang dalawang laro laban sa Dominican Republic sa score na 87-81 at sa Angola sa score na 80-70. —sa panulat ni Lea Soriano