dzme1530.ph

SB, inabsuwelto si Napoles sa 16 na kaso ng katiwalian

Pinawalang sala ng Sandiganbayan 1st Division ang dating negosyante na si Janet Lim Napoles sa 16 na kaso ng katiwalian kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam dahil nabigo ang prosekusyon na patunayan na siya ay Guilty Beyond Reasonable Doubt.

Ang mga kaso ay orihinal na isinampa laban kina Napoles at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. noong 2014.

Una nang inabswelto ng Anti-Graft Court si Revilla sa Plunder Case noong 2018 habang si Napoles at iba pang akusado ay hinatulan ng Guilty.

Pinawalang sala rin kinalaunan si Revilla sa Graft charges noong 2021 nang katigan ng Korte ang kanyang Demurrer to Evidence. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author