dzme1530.ph

Saudi Arabia, hinikayat ng Pangulo na pasukin ang iba pang investments sa Pilipinas bukod sa labor market!

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Saudi Arabia na pasukin ang iba pang oportunidad sa investments sa Pilipinas.

Sa business roundtable meeting sa Riyadh, hinimok ni Marcos ang Saudi business leaders na huwag lamang limitahan ang investments sa labor market o pagkuha ng overseas workers.

Umaasa ang Pangulo na mapalalakas din ng Pilipinas at Saudi Arabia ang ugnayan sa kalakalan, telecommunications, healthcare, enerhiya, at maging sa agrikultura.

Kasabay nito’y ibinida ni Marcos ang legislative amendments para sa pagluluwag ng ekonomiya sa foreign investments, tulad ng Foreign Investments act, Retail Trade Liberalization Act, Public Services Act, at Renewable Energy Act.

Kasama rin dito ang fiscal incentives para sa foreign investors sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law.

Inimbitahan ni Marcos ang Saudi business leaders na bisitahin ang Pilipinas at tingnan ang mga oportunidad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author