dzme1530.ph

Sarah Geronimo, inaming na-miss ang G-Force sa kanyang Anniversary Concert

Sa gitna ng maugong na pagkalas sa choreographer na si Georcelle Dapat-Sy, mas pinili ni Sarah Geronimo na pasalamatan ang buong team ng G-Force, na kanyang long-time collaborators.

Sa pahayag na tila may bahid ng pagsisisi, inamin ni Sara na na-miss niya ang partisipasyon ng G-Force sa kanyang Big Dome Concert sa pagdiriwang na kanyang 20th Anniversary sa Showbiz noong weekend.

Sinabi ni Sara na malaking bagay ang grupo sa kanyang career at nais sana niya na kasama niya ang mga ito nang ipagdiwang niya ang kanyang anibersaryo.

Tugon ito ng singer sa pahayag ni Teacher Georcelle na masaya siya na nag-level up si Sara bilang Concert Director at Performing Artist. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author