Ibinasura ng Sandiganbayan Fourth Division ang mosyon na inihain ni dating First Lady Imelda Marcos at kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta para maibalik sa kanila ang ilang nakaw na ari-arian na sinekwester ng gobyerno.
Sa resolusyon, hindi kinatigan ng anti-graft court ang Motion for the Issuance of Writ of Execution na inihain ng pamilya noong Agosto 2022.
Inihayag ng Sandiganbayan sa resolusyon na hiniling ng mag-inang Marcos na agad ideklara ang mga ari-arian na saklaw ng kaso bilang hindi “ill-gotten” upang mailabas.
Ilan sa mga properties na ito ay ang Marcopper Mining, Metropolitan Museum of Manila Foundation,, Philippine Long Distance Company, at iba pa.