Isang sandbar sa Pag-asa Island ang natagpuang punung-puno ng patay at dinurog na corals, na ayon sa mga eksperto ay karaniwang proseso na ginagawa ng China bago simulan ang kanilang reclamation activities.
Nadiskubre na ang Sandy Cay 2 ay natambakan na ng corals na kasingtaas na ng tao, kumpara sa Sandy Cay 1 na hindi pa natatakpan ang buhangin.
Ang Sandy Cay 2 ay isa sa apat na sandbars na malapit sa Pag-asa Island sa bayan ng Kalayaan na matatagpuan sa West Philippine Sea, na hinarangan ng vessels ng China Coast Guard at Chinese maritime militia vessels. —sa panulat ni Lea Soriano