dzme1530.ph

Salvadoran National may dalang cocaine mula Brazil, naaresto sa NAIA T3

Arestado ang isang dayuhan matapos makuhanan ng iligal na droga nang dumating ito sa NAIA terminal 3 mula Brazil.

Sa impormasyon mula sa Bureau of Customs dumating ang Salvadoran National na si Franco, Domingo Quintanilla 45-yrs old mula Brazil sakay ng Qatar Airways flight QR 932 na lumapag sa NAIA terminal 3.

Nadiskubre ng mga operatiba ng customs examiners at ng PDEA ang laman ng bagpack ng dayuhan ng idaan ito sa x-ray machine kung saan nakalagay ang 3,120 grams na hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng Php 16, 536, 000.00 million.

Ang mga nasamsam na illegal drugs ay naiturn-over na ng Bureau of Customs sa NAIA-PDEA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADTG).

Nasa kostudiya narin ng PDEA ang naarestong dayuhan kung saan sumailalim ito sa masusing imbestigasyon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author