Nais ng alkalde ng Cavite City na pa-imbestigahan ang banggaan sa pagitan ng dalawang foreign-flagged ships sa katubigan ng Corregidor Island noong Sabado.
Sinabi ni Cavite City Mayor Denver Chua na nais niyang malaman kung ano ang ginagawa ng dalawang barko sa lugar dahil wala namang ibinigay na anumang dredging permit ang local authorities.
Idinagdag ni Chua na ang pinangyarihan ng salpukan ay restricted site.
Lumubog ang dredger Sierra Leone flagged na MV Hong Hai 189 makaraang sumalpok sa marshall islands-flagged tanker na MT Petite Souer.
Ayon sa Philippine Coast Guard, isang filipino safety officer ng Hong Hai 189 ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital, habang dalawang iba pang chinese crewmembers ang nasawi rin sa insidente.