Napapanahon na para itaas ang sahod sa bansa gitna ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin.
Ito ang binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na kinain na ang sahod ng mga manggagawa dahil sa mataas na halaga ng mga produkto.
Giit ni Africa, kung may kakayanan ang kompanya na magtaas ng sahod, at kaya ng gobyerno na magbigay ng tulong ay nararapat lamang umano ang pagtaas ng sahod.
Paliwanag niya, kung itataas ang sahod ng mga manggagawa ay gagastos ang mga ito para sa komunidad at iikot lamang ang pera o makikinabang din umano ang nasa sektor ng informal economy.