Nagpatuloy ang sagupaan sa ilang bahagi ng Khartoum na kabisera ng Sudan, makaraang magtapos ang 24-oras na tigil-putukan, na nagdulot ng panandaliang katahimikan, kasunod ng walong linggong bakbakan sa pagitan ng dalawang magkalabang military factions.
Pagpatak ng eksaktong oras ng pagtatapos ng ceasefire ay muling pumailanlang ang mga putok ng baril sa Omdurman, na isa sa tatlong adjoining cities, kasama ang Khartoum at Bahri.
May mga narinig ding artillery fire sa Sharq El-Nil Area at mga pagsabog sa Khartoum.
Umabot na sa 1.9M katao ang lumikas dahil sa sagupaan sa pagitan ng Sudan Army at para military rapid support forces na nagsimula noong Abril. —sa panulat ni Lea Soriano