dzme1530.ph

Pagpapanatili sa On-Time Performance ng mga Airlines ngayong Undas inaasahan ng MIAA

Kumpiyansa ang Manila International Airport Authority (MIAA) na pananatilihin ng mga airline ang kanilang kasalukuyang On-Time Performance (OTP) sa panahon ng Undas 2023.

Ayon sa MIAA nasa 80% OTP noong Setyembre, na tumugma sa mataas na naitala noong Marso ng parehong taon, ang OTP rating ay nagpakita ng higit na pagbuti ngayong Oktubre.

Sa tala ng MIAA sa unang 18 araw ng buwan ng Oktobre, nasa 82.38% OTP kung saan nasa 13,519 na mga flight sa mga nag-operate sa NAIA.

Ang malaking mayorya ng mga flight ay umalis at dumating sa loob ng 15 minuto sa nakatakdang oras, alinsunod sa international guidelines.

Mula Oktubre 1 hanggang 18, ang MIAA ay tumanggap ng 2,076,062 na pasahero sa NAIA.

Positibo si MIAA Officer in Charge, Bryan Co, na mananatili ang OTP sa peak season kasabay ng Operation Plan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2023.

Sinabi pa ni Co na bumuo ng mga contingency plan ang mga airlines upang maiwasan na makompromiso ang mga pasahero.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author