dzme1530.ph

Russian vlogger, posibleng makulong ng hanggang 18 buwan sa Pilipinas, ayon sa DILG

Loading

Pagsisilbihan ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy ang kanyang sentensya sa kulungan sa Pilipinas sakaling ito ay ma-convict.

Ito, ayon kay Local and Interior Secretary Jonvic Remulla, kasabay ng pahayag na mahaharap ang dayuhan sa paglilitis ngayong linggo para sa three counts ng unjust vexation.

Idinagdag ni Remulla, na kapag na-convict ang kontrobersyal na vlogger, posibleng makulong ito ng hanggang 18-buwan.

Ipinaliwanag ng Kalihim na hindi maaring i-deport ang vlogger sa Russia na home country nito o sa Amerika kung saan ito green card holder dahil ayaw siyang tanggapin ng dalawang bansa.

Abril nang arestuhin ang vlogger kasunod ng videos ng pangha-harass nito sa isang security guard at passers-by sa Bonifacio Global City sa Taguig.

About The Author