Nagtapos na ang kampanya ng Philippine National Women’s Softball Team sa 2024 Women’s Softball World Cup makaraang matalo sa host na Italy sa score na 5-6, sa kanilang Group C third place playoff.
Bago ito ay pinadapa ng RP Blu girls ang Italians noong Martes sa 6-5 victory, pati na ang New Zealand sa score na 5-3, para makakuha ng ticket sa group stage playoff round.
Tinapos nila ang elimination round sa ika-4 na spot na mayroong 2-3 card.
Lumahok ang Pilipinas sa 8 Women’s Softball World Cup editions at isang beses pa lamang nanalo ng medalya at nasungkit ang bronze medal na ito noon pang 1970. —sa panulat ni Lea Soriano