dzme1530.ph

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Asahan ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya, sinabi ni Dept. of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE – OIMB) assistant director Rodela Romeo na aabot sa P0.70 hanggang P0.90 ang bawas sa kada litro ng gasolina.
P0.70 hanggang P0.85 kada litro naman sa diesel at P0.70 hanggang P0.95 ang tapyas-presyo sa kerosene.
Inaasahan namang ia-anunsyo ng oil companies ang price adjustments sa Lunes, na ipinatutupad sa kasunod na araw o Martes. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author