dzme1530.ph

Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo —DOE

Malaki ang tyansa na matapyasan ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy – Oil Management Bureau, posibleng mabawasan ng halos P0.70 ang kada litro ng diesel.

P0.14 centavos naman sa kada litro ng gasolina, habang P0.79 centavos sa kada litro ng kerosene.

Sa loob ng labing-isang linggong sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng oil products simula noong July 11, umabot sa P17.30 ang dagdag-singil sa kada litro ng diesel, P11.85 sa kada litro ng gasolina, at P15.94 centavos sa kada litro ng kerosene.

Una nang sinabi ng kagawaran na tataas pa ang presyo ng oil products hanggang sa katapusan ng taon dahil sa mahigpit na suplay ng langis sa buong mundo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author