dzme1530.ph

Rob Gomez, nagsisisi na sa ginawang pagtanggi na sa kanyang mag-ina

Pinagsisisihan na ng aktor na si Rob Gomez ang ginawang pagtanggi at pagsisinungaling na “single siya” sa kabila ng relasyon sa ina ng kanyang anak noon.

Ipinost ni Rob ang kanyang pahayag sa kanyang Instagram account kasama ang mga larawan at clips nila ng dating Beauty Queen na si Shaila Rebortera kasama ang kanilang anak.

Ayon sa aktor, naiintindihan na niya kung bakit ang distansya ang pinakamahirap ibigay sa pamilya, kaya hindi daw kailanman naging option para mawala ang kanyang mag-ina.

Dagdag pa nito, hindi na siya makapaghintay na bumalik ang mga ito sa kanyang bisig at nangakong tutuparin na ang kanyang mga ipinangako.

Matatandaang naging headline ang dating mag-asawa matapos magpost si Shaila ng mga larawan ng mga pasa at sugat sa braso na tila indikasyon na sinasaktan siya ng dating karelasyon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author