dzme1530.ph

Rita Daniela, kinumpirmang hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz partner

Kinumpirma ng singer-actress na si Rita Daniela na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz partner.

Sinabi ni Rita na apat na taon din ang itinagal ng relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na tatay ni Baby Uno bago sila naghiwalay.

Aniya, gaya ng ibang magkarelasyon ay sinubukan din naman nilang isalba ang kanilang pagsasama subalit hindi na talaga puwede.

Nilinaw naman ng aktres na nananatili silang magkaibigan ng kanyang Ex at ibinibigay nila ang kanilang best para maging co-parent sa kanilang anak.

Inanunsyo ni Rita ang kanyang pagbubuntis noong nakaraang taon at isinilang si baby uno noong Disyembre bago mag-pasko.

Setyembre pa lamang ay maugong na ang mga balitang nakipaghiwalay si Rita sa ama ng kanyang anak, subalit itinanggi niya ito sa pagsasabing nais niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author