dzme1530.ph

Rice sufficiency, posibleng maabot ng Pilipinas pagsapit ng 2028

Posibleng maabot ng Pilipinas ang rice sufficiency pagsapit ng 2028, dahil sa inaasahang pagtaas ng produksyon ng palay ngayong taon, sa kabila ng El Niño phenomenon, ayon sa National Irrigation Administration.

Aminado si acting NIA Administrator Eduardo Guillen na hindi nila mabibigyan ng irigasyon ang lahat ng sakahan, kung saan 20% ang ikinu-konsiderang vulnerable sa El Niño.

Gayunman, kung magpapatupad aniya sila ng alternate wetting and drying technology, hindi lahat ng 20% ay maaapektuhan.

Idinagdag ni Guillen na batay sa naging pulong nila dati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong concurrent secretary pa ito ng Department of Agriculture, bibigyan aniya ng prayoridad ang high-yielding varieties, gaya ng hybrid rice. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author