Katumbas lamang ng isa’t kalahating araw na demand ang rice inventory na isinagawa ng National Food Authority (NFA).
Ayon sa Department of Agriculture, malayo ito sa siyam na araw na target ng ahensya.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez na, as of July 27 ay may kabuuang 50,000 metric tons ng bigas na hawak ang NFA, sobrang baba kumpara sa 300,000 metric tons na required para maabot ang siyam na araw na demand.
Ayon sa NFA, ang national daily consumption rate ay katumbas ng 679,670 bags o 33,983.5 metric tons. —sa panulat ni Lea Soriano