dzme1530.ph

Rice inventory, bumaba sa pagpasok ng buwan ng Marso

Bumaba ang National inventory ng bigas sa pagsisimula ng buwan ng Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sa inventory report, sinabi ng PSA na ang imbentaryo sa bigas ay nasa 1.41-M metric tons nang magsimula ang ikatlong buwan.

Mas mababa ito ng 13.7% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang mga bigas na nasa mga bahay na 57.6% ng kabuuang imbentaryo, ay bumaba ng 6.2% sa 811.52-T metric tons.

Nasa 494.25-T metric tons naman ang nakaimbak sa commercial warehouses na bumaba din ng 19.2%, at katumbas ng 35.1% ng overall rice inventory.

Kumpara sa imbentaryo noong magsimula ang Pebrero ay bumaba ng 7.5% ang National rice inventory noong mag-umpisa ang Marso. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author