Matagumpay na nakarating ang resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kabila nang pagtatangka ng Chinese vessels na harangin ang mga bangkang naglalaman ng mga pangangailangan ng mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa remote oupost.
Dalawang barko ng Philippine Coast Guard ang nag-escort sa supply vessels patungong Second Thomas Shoal sa Spratly Islands.
Dumating ang resupply mission mahigit dalawang linggo makaraang bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang Philippine vessels dahilan para isa sa mga bangka ang bigong makatuloy sa misyon.
Una nang inakusahan ng National Task Force for the West Philippine Sea ang China Coast Guard at Chinese maritime militia vessels na tinatangkang harangin, takutin, at pakialaman ang misyon.
Tiniyak din ng task force na magpapatuloy ang regular na routine missions sa Philippine Outposts sa iba’t ibang lugar sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano