dzme1530.ph

Resupply boats, nakabalik na sa Palawan mula sa misyon sa BRP Sierra Madre

Masayang sinalubong sa Palawan ang pagbabalik ng dalawang bangkang ginamit para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Nakabalik ang resupply boats makaraang matagumpay na maihatid ang pang- isang buwan na pagkain, fuel, at iba pang supplies ng mga Pilipinong sundalo na nakatalaga sa nakasadsad na barko.

Sakay ng mga bangka pabalik ang mga sundalong nag-duty sa Sierra Madre sa nakalipas na buwan na pinalitan ng ibang personnel.

Ayon sa AFP Western Mindanao Command, ang mga sundalong dinideploy sa outpost ay volunteers. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author