dzme1530.ph

Resulta ng medico-legal examination sa nasawing estudyante makaraang sampalin ng guro, ilalabas sa loob ng isang linggo

Inaasahang mailalabas sa loob ng isang linggo ang resulta ng medico-legal examination sa pagkamatay ng 14-anyos na mag-aaral matapos sampalin ng kanyang guro sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City.

Sinabi ni Hector Sorra, Medico-legal Division Chief ng PNP Forensic Group, na karaniwang tumatagal ng 30-araw ang pagre-review sa Hispathology na ginagamitan ng microscope.

Gayunman, bibilisan aniya nila ang proseso, kasabay ng pagsasabing mailalabas lamang nila ang report sa pagkamatay ng Grade 5 pupil, kapag nakumpleto na ang review sa CT Scan at Hispathology.

Idinagdag ni Sorra na mayroon silang nakitang Pulmonary Tuberculosis sa baga ng estudyante. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author